Usapang Noypi

Hello! Sorry medyo wala pang laman ang Tumblog ko. Kaka-start ko lang kasi sa blog na to. Yung isang blog ko kasi pang-international. Hahaha! Eto naman para sa mga pinoy Tumblr users. Puro tagalog at mga bagay lang na nakaka-relate ang mga pinoy ang i-popost ko dito. *cheers* :) Salamat followers! Sorry hindi ako makapag-follow back. 2nd blog lang kasi to. :( Feel free to submit your works! ^___^



Ask me anything   Submit

Simpleng Buhay

Nagkausap kami ng ate ko kanina. Matagal-tagal na rin since last kaming nagkausap ng masin-sinan. Haha. Nakakatuwa.

(habang nanonood kami ng concert ng westlife sa tv kanina)

ako: bat nakatayo yung mga tao? wala sigurong upuan.


ate: syempre tumayo yung mga nasa harap kaya nagtayuan na lahat. Haha.


ako: kung mga pinoy yang mga yan malamang, maraming baon na upuan. Hahaha. Tapos sa upuan mismo tatayo.


ate: oo nga.


ako: naalala mo pa dati nung nanood tayo nung G-mik concert?


ate: oo, bakit?


ako: lahat ng upuan pinagpatong-patong nung mga gago eh.


ate: oo nga. Kaya wala man lang akong napanood nun.


ako: haha. Tas anliliit pa natin nun. Elementary.


ate: iniyakan ko pa si mama at papa ng ilang araw bago tayo bilhan ng tickets.


ako: oo nga. Grabe no? Sobrang hirap natin dati. 150 lang naman yung ticket nun. HAHAHA :D Pero masaya tayo kahit mahirap. :)
(ang emo ko talaga. hahaha)


ate: Hahaha. Oo nga, sobrang hirap natin. Naalala mo pa yung first phone natin?


ako: oo. Yung motorola na may radio. HAHA. Text base pa yung mga game nun pero kahit ganun nag-eenjoy na tayo. Ngayon may mga java, flash, online, at kung ano-anong games na pero hindi pa din satisfied ang mga tao. :)) Simple lang ang buhay dati pero masaya. :)

(Source: tawapinas)