Usapang Noypi

Hello! Sorry medyo wala pang laman ang Tumblog ko. Kaka-start ko lang kasi sa blog na to. Yung isang blog ko kasi pang-international. Hahaha! Eto naman para sa mga pinoy Tumblr users. Puro tagalog at mga bagay lang na nakaka-relate ang mga pinoy ang i-popost ko dito. *cheers* :) Salamat followers! Sorry hindi ako makapag-follow back. 2nd blog lang kasi to. :( Feel free to submit your works! ^___^



Ask me anything   Submit

Kung ano-ano lang…

Hindi ko alam kung adik ba ko o sadyang mahirap lang talaga matulog sa gabi? Minsan kasi halos dalawang araw akong hindi natutulog. Tulad ngayon, mag-aalas cinco na ng umaga, buhay na buhay pa rin ako.

Mahirap ang hindi nakakatulog. Daig mo pa ang adik. Maraming bagay ang naiisip ko. Ngayon nga iniisip ko, paano kaya kung yung mga ipis at mga samu’t saring insekto ay may mga utak din tulad natin? Pero may utak din naman sila. Meron kayang scientist na ipis? O kaya titser na ipis? Nakakatuwang isipin. Paano pag isang araw may naapakan kang ipis o kaya pinalo mo ng tsinelas tapos biglang may dumating na ambulansya ng mga ipis. Yung tipong may stretcher chuvaness pa. Tapos paano kung bigla ka nalang hulihin ng mga pulis na ipis? Paano pag may abogadong ipis? May witness na ipis?! Pero buti na lang wala. Siguro ang hirap ng buhay ng mga ipis. Hinuhusgahan lang sila ng mga tao. Pag may nakikita tayong ipis na lumilipad, sinasabi kagad nating nag-ffeeling butterfly sila.

(Source: tawapinas)