Usapang Noypi




Dati nung bata pa ko, pinapanood ko yung Mara Clara ni Judy Ann at Gladys, pati na rin yung MariMar at G-MIK. Hindi ko na matandaan yung storya nun eh. Pero ang alam ko, kapamilya talaga ako nung bata ako. Pero nung HS na ko, parang naging kapuso na ko. Dahil yata sa starstruck at sa click yun. Hindi ko lang sure. Basta laging may network war pag lunchbreak at syempre, hindi kami nagpapatalo.
Pero ngayon, ayoko na sa mga shows ng GMA sa gabi. Puro fantaserye kasi eh. Nakakasawang panoorin. Tapos hindi naman magaganda yung effects nila. Tulad din nung Noah at Agua Bendita ng ABS. Sorry ha? Ayoko maging bias eh. Pareho talagang sabaw yung effects.
Ang point ko is, gusto ko bumalik yung dating quality ng shows. Yung tipong tumatakbo lang sa story yung show. Hindi pagandahan ng effects. Alam ko namang sinusubukan lang nila yung makabagong uri ng shows. Yung puro effects nga. Pero sana, kung hindi kaya, wag na ipilit. Kasi nagmumukhang cheap yung show kahit gaano kaganda ng story. May point ako di ba?
So for now, sa kapamilya muna ako manunuod. Ang ganda ng Mara Clara eh. Pero sa lahat ng shows ng ABS-CBN, Green Rose ang pinakanagandahan ko. Ang ganda ng pagka-remake. Sayang at tapos na kanina.

(Source: tawapinas)