Usapang Noypi




Friend: Alam mo ba dati may bisaya kaming katulong.
Me: o, bakit? ano nangyari?
F: one time nagkasakit yung kuya ko tapos inutusan syang bumili sa tindahan. Eh busy sya nun sa paglilinis ng bahay kaya sabi nya kung pwede daw ako na lang bumili.
Me: Pumayag ka?
F: Oo, at yun nga yata ang pinakamaling bagay na ginawa ko sa buong buhay ko.
Me: Bakit?
F: Eh di nakiusap sya sakin. Sabi nya nagpapabili daw sa tindahan si kuya ng KWIK KIK. Sabi ko “Ano yun?”. Tapos sabi nya hindi nya din daw alam. Basta KWIK KIK daw.
Me: Ano yung KWIK KIK??! *biglang naguluhan*
F: Tapos yun na. Pumunta ako sa tindahan. Halos lahat ng tindahan sa barangay napuntahan ko. Tanong ako ng tanong kung may kwik kik sila.
Me: O, tapos?
F: Wala akong nahanap kaya umuwi na lang ako. Sabi ko sakanya, “Ano ba talaga yung kwik kik?”. Sabi nya “Tanong mo nalang kay koya mo.” Tapos tinanong ko si KOYA.
Me: Ano sabi?
F: Sabi ko kay koya. “Kuya, ano ba yung kwik kik? Napuntahan ko na lahat ng tindahan, hindi daw nila alam yun. Sabi ni kuya, “Anong kwik kik?”. Sabi ko naman, “yung pinabibili mo ky inday”. Sagot ni kuya, “Sira ulo! QUAKE CAKE ang pinabibili ko hindi KWIK KIK.” Tawang-tawa si kuya. -.-
Me: *hindi makahinga sa kakatawa*
F: hiyang hiya ako nun. Buti na lang hindi alam ng mga pinagtanungan ko sa tindahan na QUAKE CAKE pala ang ibig sabihin nun. -.-
Me: *hindi pa rin makahinga sa kakatawa*

(Source: tawapinas)